Mariah Carey
Mariah Carey
HINDI kailangan ni Mariah Carey ng redemption talk, s’il vous plait et merci (if you please). Ngunit walang duda na ang kanyang New Year’s Eve performance nitong Linggo ay infinitely better kaysa lip-synching disaster noong 2016, at sapat ang kawerduhan nito para bigyan tayo ng unang meme of 2018.

Nakasuot ng puting fur coat at agaw-pansin ang dalawang full-sized Tiffany chandeliers na nakakabit sa kanyang mga tainga, inawitan ng golden diva ang mga tao sa pagsalubong sa New Year. Mayroong confetti at sparkly nude illusion dresses at little gospel choir at expert vocalization. Lahat ay on-brand.

Ngunit tila wala nang mas bobongga pa kaysa pagtigil ni Mariah sa pagitan ng mga awitin para humingi ng hot tea.

“They told me there would be tea,” aniya, na tila nagtataka. Pero sa kabila ng matinding lamig ng gabi, walang tsaa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Oh, it’s a disaster. Okay, well, we’ll just have to rough it. I’m going to be like everybody else, with no hot tea.”

At para bang wala nang mas sasaya pa sa simula ng bagong taon, kalaunan ay nagpaskil si Mariah ng litrato niya habang ninanamnam ang kanyang hot tea – at ito ang naging shadiest, most glamorous inaugural meme of 2018.

May bonus pang malaking bato na naka-display sa kanyang middle finger na engagement ring na ibinigay ng kanyang ex-fiance na si James Packer, na kinasuhan niya nang maghiwalay sila at hingan ng $50 milyon – para sa tinawag niyang “inconvenience fee.”

Mayroon na tayong bagong tea queen, at napansin ito ng mga tao.

God bless this mess, sa 2018. - CNN