Coco Martin
Coco Martin
MAGKATOTOO kaya ang hula ng Feng Shui master na si Hanz Cua kay Coco Martin na mag-aasawa siya ngayong 2018?

“Very strong ‘yung opportunity niya ngayong taon,” sey ni Hanz Cua. “May bago siyang chapter sa kanyang chart. Ibig sabihin, something new. Puwedeng magpakasal na o magsisimula na ng pamilya.”

Ito rin ang wish ng lahat ng mga kaibigan ni Coco, na sana ay magkaroon na siya ng mga tsikiting na makakalaro niya at maging ng lola niya at ng Lola Susan Roces niya sa FPJ’s Ang Probinsyano na ilang beses na ring humiling na bigyan ito ng maraming apo ng aktor.

Kung tutuusin, financially at mentally stable naman na kasi si Coco. ‘Yung emotion yata ay hinahanap pa niya kung sino ang puwede niyang maka-forever dahil hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang banggitin kung sino ang kasintahan niya.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Hmmm, malalaman natin ‘yan kung magiging Asintado si Julia Montes sa pagpapaputok ng baril ‘pag umere na siya sa Enero 15 sa ABS-CBN para sa bago nitong serye mula sa Dreamscape Entertainment.

Patuloy pa ring humahataw sa box office ang Ang Panday ni Coco kaya naman kampante na ang Team Coco kaya nagkanya-kanyang bakasyon na sila sa ibang bansa para salubungin ang 2018.

Si Coco kaya saan nagpalipas ng Bagong Taon? --Reggee Bonoan