brownlee balkman

KUMPIYANSA ang pamunuan ng Tanduay Alab Pilipinas na mas mapapaigting ang kampanya sa Asean Basketball League (ABL) sa pagsapi ng dalawang batikang import sa pagbabalik-aksiyon sa Bagong Taon.

Sa kanyang mensahe sa social media account, sinabi ng team owner na si Charlie Dy na makakasama sa Alab sina dating NBA player Renaldo Balkman at Ginebra super import Justin Brownlee bilang kapalit nina Ivan Johnson at Reggie Okosa.

Inaasahang sasabak ang 6-foot-8 na si Balkman at 6-foot-7 na si Brownlee sa laban ng Alab kontra Westports Malaysia Dragons sa Miyerkules sa Filoil Flying V Centre.

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

Napabantog si Balkman, hindi sa kanyang laro sa NBA kundi sa insidente ng pananakal sa kanyang kasangga na si Arwind Santos sa Petron (ngayo’y San Miguel noong 2013.w Dahil sa insidente, pinatawan siya ng lifetime ban sa PBA.

Napamahal naman sa barangay crowd si Brownlee nang gabayan ang Ginebra Kings sa back-to-back championships sa Governor’s Cup.

Ayon kay Dy, ang presensiya ng dalawang versatile players ay tiyak na magbabalik sa kumpiyansa ng Alab at magdudulot ng bilis at katatagan sa koponan.

“Tanduay Alab Pilipinas welcomes Justin Brownlee and Renaldo Balkman,” pahayag ni Dy sa kanyang Instagram.