BRUSSELS (AP) – Umabot sa 81 reporter ang pinaslang habang ginagawa ang kanilang trabaho ngayong taon, at tumaas ang karahasan at pananakot sa mga miyembro ng media, inilahad ng pinakamalaking samahan ng mga mamamahayag sa buong mundo.
Sa kanyang taunang ``Kill Report,’’ nasilip ng The Associated Press, sinabi ng International Federation of Journalists na ang nasawi ang mga sa targeted killings, car bomb attacks at crossfire incidents sa iba’t ibang lugar sa mundo.
Mahigit 250 mamamahayag naman ang nakulong nitong 2017.
Ang mga bansang may pinakamataas na bilang ng media killings ay: Mexico,13; Afghanistan, 11; Iraq, 11; Syria, 10; India, 6; Philippines, 4; Pakistan, 4; Nigeria, 3; Somalia, 3, at Honduras, 3