June 04, 2026

Home BALITA Politics

'Buhay na buhay kami!' Sen. Jinggoy, umalmang 22 na lang ang natirang bilang ng mga senador

'Buhay na buhay kami!' Sen. Jinggoy, umalmang 22 na lang ang natirang bilang ng mga senador
Photo courtesy: Contributed photo

Umalma si Sen. Jinggoy Estrada sa tila hindi pagbilang sa kanila ng nagtatagong si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa bilang ng mga senador matapos umanong igiit ng ilang mambabatas na 22 na lang sila.

Sa panayam ng media kay Estrada nitong Huwebes, Hunyo 4, 2026, iginiit niyang hindi raw dapat sila iniaalis ni Dela Rosa sa bilang ng 24 na senador.

“Some senators are saying that 22 na lang daw 'yong mga senator because Sen. Bato is nowhere to be found and I am in detention, that is incorrect,” ani Estrada.

Pagdidiin niya pa, “Some senators are saying that 22 na lang daw 'yong mga senator because Sen. Bato is nowhere to be found and I am in detention, that is incorrect.”

Matatandaang kasalukuyang nakakulong si Estrada dahil sa kasong plunder na isinampa sa kaniya ng Office of the Ombudsman kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Politics

Sen. Ping kay Sen. Alan: ‘Kung kelan walang pasok, saka naman nasa session hall’

Habang si Dela Rosa naman ay kasalukuyang nagtatago matapos pagtibayin ng Department of Justice (DOJ) ang arrest warrant na ibinaba ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya bunsod ng kasong crimes against humanity kaugnay ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Estrada at Dela Rosa ay kapuwa miyembro ng dating majority bloc na nagluklok kay Sen. Alan Peter Cayetano bilang Senate President.

Matapos tukuyang magtago si Dela Rosa at naaresto naman si Estrada, tumabla sa bilang na 11-11 ang bilang ng mayorya at minorya ng Senado. Noong Miyerkules, Hunyo 3, dumalo sa sesyon si Sen. Chiz Escudero dahilan upang maging 12 ang bilang ng mga senador sa plenary hall at nairatsda ang sesyon sa Senado.

Sa kasalukuyan si Sen. Win Gatchalian ang tumatayong acting Senate President at Senate President Pro Tempore sa kabila nang hind pagkilala dito ng paksyon ni Sen. Cayetano.