ramirez copyKAPAYAPAAN at kaayusan sa Philippine sports ang hiling ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez para sa taong 2018.

Ayon sa PSC chief, hangad niya na masagot ng Philippine Olympic Committee (POC) sa pamumuno ni Jose ‘Peping’ Cojuangco ang lahat ng isyu at kabulukan sa mga kaalyadong national sports association na sumingaw sa pagtatapos ng nakalipas na taon.

Hangad din ng PSC na mapadali ang solusyon sa isyu ng liderato ng POC matapos ang lumabas na desisyon ng korte na kailangan ng bagong presidente nito ngayong darating na Pebrero, 2018.

“All we want in the PSC is for the POC to really act faster for the forth coming Asian Games,Sea Games and Olympics. We also really wanted at everything at peace with POC,” pahayag ni Ramirez.

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

Magkasabay na bumulaga ang isyu sa POC bago matapos ang taon, una na dito ang kontrobersyal na paghahanap sa nawawalang allowance ng mga PKF athletes na umano’y ginamit sa training sa Germany at kamakailan nga lang ang kaso na pinaboran ng PASIG RTC hinggil sa liderato ni Cojuangco.

Tiwala naman si Ramirez na mareresolba ng POC ang anumang isyung kinasasangkutan nito, hinggil sa liderato at labas naman ang PSC sa naturang isyu. Ang tanging binabantayan nila ay ang kapakanan ng mga atleta.

“Alam naman ni Cong, Peping na pinapaimbestigahan ang isang NSA nila, so we are just concern about our athletes here. Pero sana masaayos din nila agad yung sa problema ng POC ngayon. PSC is hoping for the best,” ani Ramirez. - Annie Abad