SA mga boksingerong Pilipino na kakasa sa taong 2018, pinakamalaki ang potensiyal ni IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas na magdedepensa sa United States sa Pebrero 3 laban kay No. 10 contender Israel Gonzalez ng Mexico sa Bank of American Center, Corpus Christi, Texas.

Nasa promosyon ni eight-division world titlist Manny Pacquiao, kaagad siyang pinapirma sa six-bout contract ni Top Rank big boss Bom Arum matapos patulugin sa 6th round ang dating walang talong Irish na si Jamie Conlan nitong Nobyembre 18 sa Belfast, Northern Ireland sa United Kingdom.

Sa pahayag sa Top Rank website, inilarawan ni Arum si Ancajas bilang isang “exciting fighter who has not reached his full potential” matapos ang tatlong depensa sa IBF crown sa laban sa Pilipinas.

“I am pleased to announce that we will have the opportunity to get worldwide exposure through his upcoming fights being televised on ESPN, with the help of the legendary Bob Arum and Top Rank,” sabi ni Pacquiao sa Boxingscene.com.

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

“We, at MP Promotions, feel that this opportunity will open the floodgates for Jerwin to reach his full potential and continue to bring great honor to the Philippines,” dagdag ni Pacquiao.

May rekord si Ancajas na 28-1-1 na may 19 pagwawagi sa knockouts at ikinukumpara na sa kanyang manedyer na senador na ngayon ng ating bansa.

“I look forward to following in the footsteps of my idol and promoter Manny Pacquiao. I want to be a champion for a long time,” ani Ancajas.

Mas nasasabik si Arum sa potensiyal ni Ancajas dahil personal niya itong napanood nang patulugin sa 7th round si dating world champion Jose Alfredo Rodriguez ng Mexico sa Macau, China at mapatigil sa 7th round rin si Teiru Kinoshita ng Japan sa Brisbane, Australia.

“I have had the opportunity to be ringside for Jerwin’s fights in Australia and in Macau and I see a lot of similarities to my co-promoter Manny Pacquiao,” diin ni Arum.

“Jerwin has a killer instinct inside the ring and he is a great finisher. Just look at his record. Jerwin has only gone the distance once in his last 14 fights,” ayon sa 86-anyos na Hall of Fame promoter. - Gilbert Espeña