Ni NORA CALDERON

Alden Richards
Alden Richards
LAST Friday, ni-replay ng Eat Bulaga ang first telemovie nila na Love Is... na nagtampok kina Alden Richards at Maine Mendoza. Habang nanonood, naalala namin ang webisode interview kay Kris Aquino na sa pagiging fan niya ni Alden Richards, hindi niya ikinahiya na sabihing kung bata-bata pa siya, aaminin niyang ang actor ang isa sa celebrity crushes niya.

Fan na fan daw siya ni Alden na matagal na niyang kilala pero hindi sila close. Bilib si Kris sa acting ni Alden at four times niyang pinanood ang Alaala: The Martial Law Special at twice naman ang Love Is....

Sa Christmas/thanksgiving lunch with the press, inamin ni Alden na nagulat siya nang malaman niya ang sinabi ni Kris sa naturang interview kaya nag-text siya sa Queen of Social Media and Online World.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Nag-thank you po ako sa kanya for her kind words to me at nag-thank you din si Ms. Kris sa akin,” sabi ni Alden.

Pero ito ang post ni Kris sa kanyang Instagram:

“Had to have this portion edited to share with all of you. Certified @alden richards02 fan! I was thrilled to see a thank you text from him because he must have gotten word about all I said in the ‘Merienda w/ Kris’ we uploaded. Work wish for 2018 – to play Alden’s mom in a project. Hopefully a drama with a bit of realistic funny moments exploring the love & complexities of a single mom & her grown up son... just me imagining Bimb & I 15 years from now... di na ako mahihiya, libreng mangarap so I’m tagging @annettegozon of GMA Films & @gmanetwork.”

Bakit nga hindi, mukhang bagay nga silang maging mag-ina dahil parehong fair ang complexions nila. Kris is 46 at si Alden naman will turn 26 on January 2, 2018, a 20-year age gap.

Based din sa comments ng followers ni Kris at ng iba ring AlDub fans, payag silang gawin iyon ni Kris with Alden, at full support daw sila kung matutuloy ang project. Ang iba, nag-suggest pa kung bakit hindi gawing movie at isama na rin daw si Maine Mendoza, kaya tina-tag din nila si Mr. Tony Tuviera at ang APT Enterainment.