Ni Madelynne Dominguez
Isang 42-anyos na lalaki ang patay habang lubhang sugatan ang isa pa sa pamamaril sa San Mateo, Rizal, nitong Martes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Eldee Esalante, residente ng Barangay Silangan San Mateo, Rizal na agad namatay sa tinamong mga bala sa katawan.
Sugatan naman si Abelardo Espila 52, residente rin ng San Mateo.
Sa inisyal na imbestigasyon, na isinagawa ni PO2 King Contreras, naganap ang insidente sa Purok 2 Bundok Palay Bgy. Silangan San Mateo, Rizal habang naglalaro ang mga biktima at ang suspek na si Jomar de Guzman ng cara y cruz sa bahay ng sugatang biktima, dakong 11:00 ng gabi.
Dahil sa hindi batid na dahilan, pinaputukan ng suspek ang mga biktima at agad na tumakas sa pinangyarihan.
Nagsasagawa na ng follow up investigation para sa pag-aresto kay De Guzman.