Ni Rommel P. Tabbad
Niyanig kahapon ng magkasunod na lindol ang Summer Capital ng Pilipinas, ang Baguio City.
Sa inilabas na impormasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 12:12 ng tanghali nang maramdaman ang 4.6 magnitude na lindol sa siyudad, at makaraan ang limang minuto ay nasundan pa ito ng 3.5 magnitude.
Ayon sa Phivolcs, ang pagyanig na tectonic ang pinagmulan ay natukoy sa hilagang silangan ng Kayapa, Nueva Vizcaya.
Walang naiulat na nasaktan o napinsala sa pagyanig.