Ni NORA CALDERON

Gabbi Garcia
Gabbi Garcia
NO problem kay Gabbi Garcia kung may nang-iintriga man na kung saan-saan daw siya inilalagay ng GMA, kaya ang dami niyang ginagawang projects ngayon.  Natawa na lang siya sa press launch ng bago niyang show na GMA One Online Exclusives dahil mas gusto niyang pinagkakatiwalaan siya ng iba’t ibang assignments ng kanyang home network.  

Excited siya sa first time niyang pakikipagtrabaho sa news personalities na sina Atom Araullo at Joseph Morong.  Inamin ni Gabbi na marami siyang natutunan sa sa dalawa.  May nagtanong nga sa kanya kung gusto rin ba niyang maging news broadcaster

“Why not,” sagot ni Gabbi.  “In fact, natutuwa po ako na once na akong nag-anchor ng ‘Chika Minute’ at naka-schedule ulit ako this week. Enjoy po ako doon, another opportunity ang ibinigay nila sa akin. 

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Pero mas ang concentration ko muna ay dito sa bago kong show na I will share my personal experiences with the millennials, tungkol sa beauty, style, make-up, travel at music din.  Even sa love life nila, puwede akong mag-share sa kanila ng mga thoughts ko about it, kasi teenager din naman akong tulad nila.”

Bukod sa bagong news and current affairs show na ito, may ginagawa ring bagong teleserye si Gabbi sa GMA-7, ang Sherlock, Jr. pero ayaw muna niyang magbigay detalye bukod sa bagong pagtatambal nila ito ni Ruru Madrid na mapapanood sa early 2018.  Every Sunday, napapanood pa rin sila ni Ruru as magka-love team sa Sunday Pinasaya.

Pero hindi lang sa trabaho busy si Gabbi, dahil ipinagpapatuloy pa rin niya ang pag-aaral niya. Kumukuha siya ng Music Business Management  sa Meridian International College.  Aminado siyang mahirap na pinagsasabay niya ang career sa showbiz at studies pero isa ito sa goals niya kaya inaayos at binabalanse niya ang lahat ng schedule niya.

Hindi siya ang tipong susuko sa studies at sa katunayan ay matagal na niya itong pinag-isipan at pinagdesisyunan na kakayanin niya.

Ang One Online Exclusives ay mapanood na simula sa Enero 1, 2017 sa GMA Network’s official YouTube account.