Ni Gilbert Espeña

MASUSUBOK ang kakayahan ng 18-anyos at walang talong si Ifugao boxer Carl Jammes Martin sa pagsabak laban sa beteranong si Artid Bamrungauea ng Thailand sa kanilang sagupaan para sa interim WBC ABC Continental bantamweight title sa Disyembre 23 sa Dep-Ed Gymnasium sa Lagawe, Ifugao.

Pipilitin ni Martin na mapangalagaan ang kanyang perpektong rekord na 6 na panalo, 5 sa pamamagitan ng knockouts laban sa 33-anyos na Thai journeyman na may 32 laban na at galing sa tatlong sunod-sunod na panalo lahat sa knockouts.

Kasalukuyang Philippine Boxing Federation (PBF) bantamweight titlist si Martin na natamo ang korona nang mapatigil sa 5th round ang mas beteranong si Vincent Bautista noong nakaraang Oktubre 28 sa Dep-Ed Gymnasium din kaya binansagang “Wonder Boy.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!