Ni Gilbert Espeña

NAKOPO ni Philippine Army chess team top non-master player Kevin James Arquero ang titulo sa katatapos na 5th Concepcion Dos Chess Club (CDCC) Grand Prix Non-Master Chess Tournament kamakailan sa Barangay Concepcion Dos Multi-Purpose Gymnasium sa Marikina City.

Si Arquero na dating top player ng Arellano University ay nakipaghatian ng puntos kontra kay Thailand blitz king Alvin Roma tangan ang itim na piyesa sa kanilang Catalan encounter sa final round para tumapos ng 6.5 puntos sa pitong laro. Naiuwi ni Arquero ang P5,000 top prize at tropeo.

Magkasalo naman sina Narcisco Gumila Jr., Jan Roldan Oriendo at Genghis Imperial sa ika-2 hanggang ika-4 na puwesto na may tig 6.0 puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Habang si Roma naman ay nakakolekta ng 5.5 puntos para samahan sina Jimson Linda at Remark Bartolome sa ika-5 hanggang ika-7 puwesto.

Ang mga nagwagi sa iba-ibang kategorya ay sina Lord Hendrix Francisco (Top elementary), Julius Gonzales (Top High School), Remark Bartolome (Top College), Andy Andes (Top Senior), Jellie Ann Magro (Top lady) at Kenneth Lomio (Top Concepcion Dos).