Anna Kendrick
Anna Kendrick
KATATAKAS lamang ni Anna Kendrick mula sa kanyang nasusunog na 11th-storey hotel room nang mag-guest sa The Tonight Show Starring Jimmy Fallon. Dahil sa nakatakdang paglabas sa show, napilitan siyang lumikas sa The Whitby Hotel na ang tanging suot na damit lamang ang dala-dala.

“I was in my room. I was like, ‘I’m on the 11th floor and I smelled smoke,’ kuwento niya. “And then the fire alarm went off. So I was like, ‘Well, normally I would ignore this, but I also smell smoke.’”

Nais sanang kunin ni Kendrick ang kanyang mga damit, ngunit, “I didn’t want to be that guy that, like, grabs all the stuff and then dies because then you’re a jerk. And you’re dead.”

Dahil walang ibang mapuntahan si Kendrick, nagtungo siya sa The Tonight Show studio suot ang kanyang track pants at isang beanie.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Wala siyang pamalit ng damit, kaya iyon pa rin ang suot niya nang kunan ang kanyang performance sa “Christmas (Baby Please Come Home).” - Yahoo Entertainment