Erich, Jericho at Jasmine
Erich, Jericho at Jasmine
MAGANDA ang sagot ni Jericho Rosales nang tanungin sa presscon ng Siargao tungkol sa chances sa box office ang MMFF entry nila nina Erich Gonzales at Jasmine Curtis Smith.

“With the line up ng MMFF entries, alam na natin kung alin ang magta-top. ‘Wag na mag-fake news. But we are confident na magugustuhan ng tao ang Siargao and I’m proud of this film. Hindi ako kinakabahan sa sasabihin ng tao. This is a movie beautifully shot, maganda ang acting ng lahat ng cast. I don’t even think of award, just to be part of Siargao is enough for me. Kung bakit kami ang dapat unahing panoorin, this is the film and it’s good for you,” sagot ni Jericho.

In fairness, puro positive ang comments na nababasa namin nang i-post ni Direk Paul Soriano ang official main trailer ng Siargao na ang unang napapansin ay ang magandang cinematography.

Naikuwento ni Suzette Ranillo, gumaganap na nanay ni Jericho sa movie, may nawalang camera ang DOP ng movie na si Odyssey Flores nang kunan ang underwater scene ng Siargao at hindi na natagpuan sa ilalim ng dagat.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang drone naman daw na ginamit ay inilipad ng malakas na hangin, mabuti at ibinalik ng nakapulot. –Nitz Miralles