JENNYLYN AT DEREK
JENNYLYN AT DEREK

MALAKAS na palakpakan ang ibinigay ng audience sa pagtatapos ng special screening ng All of You sa Director’s Club Cinema sa SM Mega Fashion Hall. Sa pelikulang ito nagbababalik ang winning triumvirate nina Derek Ramsay, Jennylyn Mercado at Direk Dan Villegas, na unang nagkasama-sama sa romantic-comedy movie na English Only, Please noong 2014 na nagbigay sa kanila ang best actor, best actress at best director awards respectively sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kung pakilig ang unang movie nila, this time, sa higher level na ang characters nina Gabrielle o Gabby (Jennylyn) at Gabriel o Gab (Derek). Mas seryoso na ang second movie nila tungkol sa relationship at commitments ng dalawang nagmamahalan.  Siyempre, mapapanood dito ang maraming romantic moments nina Gabby at Gab.

Hindi na kami magdedetalye ng mga eksena, pero after the special screening, natanong namin sina Derek at Jennylyn kung ipapapanood ba nila sa kanya-kanyang sweetheart ang movie.  

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Kami ni Joanne (Villablanca, his girlfriend) walang problema sa ganyan,” sagot ni Derek.  “In fact kasama ko siyang nanood ngayon with my son, Austin.  Kung may ilang bagay kaming hindi napagkakasunduan, pagdating sa work ko, naiintindihan niya iyon.”

“Hindi, hindi ko ipapapanood kay Dennis (Trillo) ang movie,” sagot ni Jennylyn.  “Saka hindi naman nanonood ng movie ko si Dennis, mas mabuti na rin kasi iyon, nagkakainitindihan naman kami ni Dennis tungkol sa aming trababo.”

Blessings daw sa kanilang tatlo kung mauulit ang nangyari sa una nilang movie, na naging blockbuster nang ipalabas at tumagal ng ilang linggo sa mga sinehan after ng MMFF 2014.  Sa awards night, kung magtagumpay pa rin sila, bonus na iyon sa kanila pero mas gusto nilang panoorin ng moviegoers ang movie, dahil tiyak na maraming makaka-relate dahil totoong nangyayari ang story sa mga magka-relasyon.

Uso yata ang special guest appearance ng mga artista, may cameo role din sa movie sina Rafael Rosell,  Sam Milby at Solenn Huessaff. Produced by Quantum Films, MJM Productions, Globe Studios, Planet Media Productions, mapapanood ang All Of You simula sa December 25 in cinemas nationwide.  Nabigyan sila ng Grade B ng Cinema Evaluation Board (CEB) at PG (Parental Guidance) classification ng MTRCB.--Nora Calderon