Ni Rizaldy Comanda

BAGUIO CITY – Iniulat ng Baguio City Police Office (BCPO) na bumaba ang bilang ng mga krimen sa siyudad sa unang 11 buwan ng taon.

Inihayag ni BCPO chief Senior Supt. Ramil L. Saculles na mula noong Enero hanggang Nobyembre ngayong taon ay naitala ang kabuuang crime volume na 3,220 insidente, nabawasan ng 2,657 krimen o 47% mababa kumpara sa parehong panahon noong 2016 nang 6,077 krimen ang naitala.

Sa nasabing panahon, para sa index crimes, isiniwalat ni Saculles na may kabuuang 676 krimen ang naitala, nabawasan ng 1,597 insidente o 70% na mababa kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, nang makapagtala ng 2,273 insidente.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Para sa non-index crimes, iniulat ng pulisya na bumaba ng 33%, o 1,260 krimen, kumpara sa 3,804 noong 2016.