Ni MERCY LEJARDE
KASALI sa pelikulang Ang Larawan, ang nag-iisang musical entry sa MMFF 2017, si Rayver Cruz pero hindi siya kumanta kundi nagsayaw ‘coz everyone naman knows na good dancer ang actor, in pernes, ha!
Naka-one-on-on ni Yours Truly sa grand presscon ng Ang Larawan itong si Rayver and when asked kung magsiyota na ba sila ni Janine Gutierrez at kung ilang months na ba silang mag-on, ang nakangiti niyang sagot...
“Hindi pa po kami mag-on kaya hindi ko pa masabi kung ilang months na kami ngayon.”
Eh, kung ipipinta niya o gagawa siya ng larawan ni Janine, ano ang gusto niyang itsura nito?
“Aso. Aso po,” seryosong sagot ng diyaske.
Naku, wanamorena asked kung bakit aso ‘coz siguro ang fave quotation-ek niya ay “a dog is a man’s best friend” and loyal to her or his amo, boom, ‘yun na!
Ang Larawan movie ay mula sa produksiyon nina Alemberg Ang, Celeste Legaspi-Gallardo, Rachel Alejandro at Girlie Rodis, based sa play na The Portrait of An Artist as Filipino ng National Artist for Literature na si Nick Joaquin.
Sa direksiyon ni Loy Arcenas, tampok dito sina Joanna Ampil bilang si Candida, Rachel Alejandro bilang Paula, at Paulo Avelino bilang si Tony Javier.
Kasama rin sa pelikula sina Sandino Martin bilang Bitoy, Cris Villonco bilang Susan, Aicelle Santos bilang Violet, Nonie Buencamino bilang Manolo, Menchu Lauchengco bilang Pepang, Robert Arevalo bilang Don Perico, Celeste Legaspi bilang Donya Loleng, Carla Manglapis bilang Patsy, Zsa Zsa Padila bilang Elsa Montes, Ogie Alcasid bilang Pulis 1, Jojit Lorenzo bilang Pulis 2, Dulce bilang Donya Upeng, Nanette Inventor bilang Donya Irene, Jaime Fabregas bilang Don Aristeo, Bernardo Bernardo bilang Don Alvaro, Noel Trinidad bilang Don Miguel at si Rayver bilang si Charlie Dacanay.