Ni Jerry J. Alcayde

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Patuloy na tinutugis ng pulisya ang driver ng bus, na nagsakay sa 44 na karamihan ay estudyanteng atleta, at bumulusok sa tubig sa Magsaysay, Occidental Mindoro nitong Sabado ng gabi, na ikinasawi ng dalawang opisyal ng eskuwelahan.

Sinabi ni Senior Supt. Romie A. Estepa, director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, na wala na sa lugar ng aksidente ang bus driver na si Julius Baleno nang rumesponde ang mga rescuer sa Sitio Bunga, Barangay Nicholas, Magsaysay, bandang 9:00 ng gabi nitong Sabado.

Ayon kay Senior Supt. Estepa, nakipag-usap na ang kinatawan ng bus company, ang Charm Bus Travel and Tours, sa mga biktima at kaanak ng dalawang nasawi para sagutin ng kumpanya ang mga gastusin sa pagpapagamot sa ospital at sa libing.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Bandang 8:30 ng gabi nitong Sabado at binabaybay ng bus ang matarik na highway nang bigla itong mawalan ng preno kaya kinabig ni Baleno pakaliwa ang bus upang maiwasang masalpok ang sinusundan nitong coaster van.

Nagtuluy-tuloy namang bumulusok ang bus sa malalim na kanal sa gilid ng kalsada hanggang tumagilid, na ikinamatay nina Elmer Decillo, 62, propesor sa University of Rizal System-Morong; at Jonathan Pineda, 51, sports director ng URS-Binangonan.