First lady Melania Trump, accompanied by Santa Claus, reads
First lady Melania Trump, accompanied by Santa Claus, reads "The Polar Express" to children at Children's National Medical Center. (AP Photo/Andrew Harnik)

WASHINGTON (AP) – Kung maaari lamang siyang mag-Pasko saan mang dako ng mundo, dadalhin ni Melania Trump ang kanyang pamilya sa Isla na walang tao. Inilahad ng first lady ang kanyang pangarap nitong Miyerkules nang bisitahin niya sa mga pasyente at empleaydo ng isang children’s hospital sa Washington.

Ang pagdalaw ay pagpapatuloy sa tradisyon na sinimulan mahigit 60 taon na ang nakaraan ni Bess Truman. Tinanong si Mrs. Trump ng isang 10-anyos na batang lalaki kung saan siya magdadaos ng Pasko, kung maaari siyang pumunta saan mang lugar sa mundo. Ang sagot niya na sa isang ‘deserted, tropical island’ ay ikinatawa ng mga nakikinig.

Inaasahang magdiriwang ng Pasko sina Mrs. Trump at President Donald Trump sa kanilang bahay sa Palm Beach, Florida. Binasahan din siya ng “The Polar Express” ang mga batang pasyente.
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter