Ni Liezle Basa Iñigo

Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pulisya sa Aparri, Cagayan.

Ayon sa report mula sa Police Regional Office (PRO)-2 ,labis na kahirapan at gutom ang nagtulak kina Nestor Belarmino, alyas “ Ka Rapi”, 39, supply officer; at Loarlito Malubag, alyas “Ka Jay-R”, 27, squad leader ng NPA at parehong residente ng Bgy. Plaza, Aparri, Cagayan upang sumuko.

Nababahala rin ang mga ito na posibleng malagay sa alanganin ang kanilang buhay at baka tuluyang mamatay sa pakikipagbakbakan habang sila ay gutom.

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

Base sa impormasyong nakalap, si Belarmino ay pumasok bilang CAFGU Auxilliary Unit noong 2008 sa tulong ng isang Sgt. Balbuena ng 17th IB na nakabase sa Alcala, ngunit nag-AWOL ito kinalaunan at nagpasyang magsaka na lamang ito sa bayan ng Aparri hanggang sa makilala nito ang grupo ng isang “Ka Nick” na siya ring nagrecruit kay Malubag na maging miyembro rin ng NPA noong Abril 15, 2014.