Ni ADOR SALUTA

NAGDIWANG ng kaarawan si Ruru Madrid last Monday sa Saisaki restaurant sa West Avenue sa piling ng kanyang buong pamilya (minus sister Rara).

Dumating din ang kanyang manager na si Direk Maryo J. delos Reyes at Mr. Vic del Rosario. Inimbitahan din ng aktor ang ilang press people mostly from Philippine Movie Press Club at sa aming pakikipag-usap kay Ruru, sinabi niyang masaya siya sa tinatahak ng kanyang career.

“Lucky sa akin ang taong ito, andami-daming nangyari sa buhay ko, may serye ako at nabigyan ako ng award (Best Actor) ng PMPC (Star Awards for TV),” aniya.

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

May natatanging wish si Ruru bago niya hinipan ang kanyang kandila sa kanyang birthday cake, “Sana maging successful ‘yung Sherlock Jr.”

Ang pinagbibidahang seryeng Sherlock Jr. ng GMA Network ay tini-taping ni Ruru ngayon. Ito ang kanyang first solo-starrer.

“At saka title role talaga,” pagtutuwid niya. “Sobrang nagulat ako! Actually hindi ko po in-expect na Sherlock Jr. ang magiging title nu’n. Parang sobrang laki pa ng mga binago. Ang pangalan ko dapat talaga sa show is Jack Calubaquib lang, and then parang wala silang maisip na title, may pumapasok, canine, dahil may dog, sabi nila parang ang labo ‘pag canine, ganyan-ganyan.”

May co-star na aso si Ruru sa show.

“So sabi nila, ‘Bakit hindi natin gawing Sherlock kasi nakilala siya like as an investigator, detective, parang private detective. Nagtatrabaho ako sa isang newspaper and parang ang sino-solve ko na mga crimes, like for example, ‘yung mga pinapatay, gusto kong malaman kung sino ‘yung nasa likod nu’n.

“So ang nangyari, ‘yun nga John Calubaquib dapat ang pangalan ko, wala silang maisip na title. So sabi, ‘Bakit hindi na lang natin gawing Sherlock Jr.? Ang magiging pangalan na dito ni Ruru is Sherlock Calubaquib Jackson Jr.’

“So ‘yung palayaw ko na Jack du’n na lang kinuha sa Jackson, at saka ayokong marinig ‘yung Sherlock dahil nga pangalan ‘yun ng tatay ko ‘yun na British.”

Kay Alden Richards unang inalok ang serye pero nag-beg off ito dahil sa kabisihan sa maraming commitments. Natuwa si Alden nang malaman na si Ruru ang ipinalit sa kanya.

“Siyempre sobrang happy din ako na kumbaga naibigay sa akin, dahil siyempre para ibigay kay Alden ‘yung isang project ibig sabihin malaking proyekto ‘yun, dahil siyempre Alden ‘yun. Kami naman po ni Alden, kumbaga every time naman nag-uusap kami, lagi niyang kinukumusta, ‘O, Ru, kumusta ‘yung istorya nu’ng show?’ Ganyan-ganyan, ‘Okay ba?’ Sabi ko, ‘Oo, okay naman.’ ‘Tapos sabi niya, ‘Good luck!’

“Sobrang ano naman siya, eh, like ‘pagka may tinatanong ako sa kanya about dito sa showbiz or ano, lagi naman siya ‘yung unang tumutulong sa akin. Siyempre mas nauna pa rin naman siya sa akin.”

Generous si Alden sa pagbibigay ng tulong sa kanya.

“Siya yung nagturo sa akin paano pumi-R (PR), ‘yung mga ganu’ng bagay. So kami ni Alden para kaming magkuya na talaga dahil siya ‘yung nag-a-advise sa akin para siguro para mas tumagal din sa industriya.”

Walang anumang tampuhang namamagitan sa kanila nang dahil sa Sherlock Jr.

“Wala! Kumbaga ‘pag minsan nga asaran pa, eh, ‘Uy, dapat sa akin ‘yan, ah!’ Mga ganu’n-ganu’n, pero wala. Siya pa ‘yung unang nagbigay ng gift. Lahat naman binigyan niya, nagbigay siya ng Christmas gift sa lahat ng cast ng SPS (Sunday Pinasaya).”

Pero hindi pa niya nabubuksan ang regalo sa kanya ng Pambansang Bae.

“Hindi ko pa po tsinek, eh, pero ang laki! Hindi ko pa po binubuksan, kahapon lang niya po binigay (sa mismong show).”