KABILANG ang Philippine softball team sa delegasyon ng Team Philippines sa 2018 Asian Games.

Nasiguro ng Pinay batters, tanyag bilang Philippine Blu Girls, ang slots sa quadrennial Games na gaganapin sa Jakarta, Indonesia, nang makamit ang silver medal sa 2017 Asian Women’s Softball Championship nitong weekend sa Taichung, Taiwan.

Nabigo ang Blu Girls sa powerhouse Japan, 7-0, sa championship match, ngunit pinahanga ng Pinay ang softball community sa impresibong kampanya sa torneo.

Hindi lamang sa 2018 Asian Games nagkwalipika ang Pilipinas bagkus maging sa 2018 World Championship sa Chiba, Japan.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Sumegunda ang Team Philippine sa Group A elimination na may 4-1 karta sa likod nang nangungunang Japan (5-0).

Sa isinagawang page system playoffs, nabigo ang Philippines sa Chinese Taipei, 7-3, ngunit nakabawi ang Pinay laban sa Hong Kong, 17-0.

Ginapi rin ng Blu Girls ang China, 4-3, bago nakabawi sa kabiguan sa Chinese-Taipei para makausad sa Finals.

Itinataguyod ang koponan ng Philippine Sports Commission (PSC).