MASAYANG-MASAYA si Martin del Rosario sa takbo ng kanyang career ngayon, magagandang projects ang ibinibigay at challenging roles ang ginagampanan niya. Kaya wala siyang reklamo kung maglalagare siya sa taping ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka na bagong afternoon soap ng GMA-7 na mapapanood sa 2018 at sa taping ng Born Beautiful na mapapanood sa Cignal TV sa 2018 din.

“Wala na akong mahihiling pa when it comes to TV projects, ang gaganda ng role ko at nagpapasalamat ako sa GMA-7 at sa IdeaFirst Company sa tiwala nila sa akin. Ang daming talents ng GMA-7, pero sa akin ibinigay ang role ni Lawrence sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka na HIV positive patient at rapist pa. Sa Born Beautiful naman, beki ako. Parang hindi na tama kung magrereklamo pa ako,” wika ni Martin.

Martin del Rosario
Martin del Rosario
Hindi pa nagti-taping si Martin sa Born Beautiful, kaya sa taping muna ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka ang focus niya. Sensitive at delicate topic ang HIV+ topic, kaya nag-seminar ang cast bago nag-taping at may consultant sila para masigurong tama at naaayos ang mapapanood ng viewers ‘pag umere na.

“Ang dami naming natutunan sa seminar na dinaluhan namin. Para makaiwas maging HIV patient, practice safe sex at sundin ang ABC na ang ibig sabihin, A-for Abstinence, B for Be Loyal and C is to use condom. Ako alam at sigurado ako sa sarili ko na pinapraktis ko ang ABC na ‘yan,” paniniyak ni Martin. –Nitz Miralles

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter