ANTOLIHAO: apat na strike out vs HongKong.
ANTOLIHAO: apat na strike out vs HongKong.

NAITALA ng Philippine Blu Girls ang dalawang malaking panalo para buhayin ang sisinghap-singhap na kampanya sa 11th Asian Women’s Softball Championship kahapon sa Taichung City, Taiwan.

Binokya ng Filipina batters ang Hong Kong girls, 18-0, bago pinadapa ang South Koreans, 6-4, para mabuhayin sa kampanya sa Final Four sa torneo na nagsisilbing qualifier para sa 2018 Asian Games at World Championships.

Nanatiling buhay ang tsansa ng Philippine team matapos ang kabiguan sa opening game.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Kontra sa HongKong, magaan ang takbo ng laro ng Blu Girls, sa pangunguna ni Arianne Vallestero na kumana ng three-for-three, kabilang ang isang home run, habang si Maryann Antolihao ay may apat na strikeouts at kumama si Royevel Palma ng tatlo.

Laban sa Koreans, naitala ng Blu Girls ang dominanteng kampanya sa pagkakaisa nina Dani Gilmore, Hailey Decker, Arianne Vallestero, Kailee Cuico, Reese Guevarra, Chelsea Suito, Garie Blando at Angelie Ursabia.