UMISKOR si Keith Absalon ng apat na goals sa dominanteng 5-0 panalo ng reigning titlist Far Eastern University-Diliman kontra National University para makopo ang solong liderato sa UAAP Season 80 juniors football tournament kahapon sa Rizal Memorial Stadium.

Kumana si Absalon sa ika-14 at ika-18 minuto sa first half, at sinundan ang dalawa pang iskor sa ika-53 at ika-81 minuto para makopo ang career goals sa anim ngayong season.

Tabla ng Baby Tamaraws at Bullpups (6-0) bago ang laban.

Naitala ni Gio Pabualan ang nalalabing goal para sa FEU-Diliman na nakagawa niya sa ika-44 minuto.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Kumubra naman ng dalawang goal si Shanden Vergarapara sandigan ang De La Salle-Zobel kontra University of Santo Tomas, 4-0,sa unang laro.

Nag-ambag sina Agiel John Rojo at Joshua San Diego sa De La Salle-Zobel.

Magbabalik ang aksyon sa Linggo sa PFF National Training Centre sa loob ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, kung saan magtutuos ang NU at Ateneo ganap na 1:00 ng hapon kasunod ang duwelo ng last season’s Finalists FEU-Diliman at De La Salle-Zobel sa 3:00 ng hapon.