Walang kontrol ang National Food Authority (NFA) sa pagtaas ng presyo ng commercial rice sa bansa.

Inihayag ni NFA Public Affairs’ chief Rebecca Olarte na magpapalabas ang ahensiya ng NFA rice sa mga lugar na mas mataas ang presyo ng commercial rice para may alternatibo ang mga mamimili.

Ayon sa NFA, hindi nila lubos-maiisip kung bakit nagtaas ng presyo ang mga rice supplier gayong panahon na ngayon ng anihan at sapat ang supply ng bigas.

Posible aniyang kagagawan ito ng mga “middleman”. - Rommel P. Tabbad

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter