Ni NITZ MIRALLES

MAAGANG in-announce ng GMA-7 ang tatlong reality competitions na gagawin ng network sa 2018 para mas pasiglahin ang kanilang programming.

Dalawa sa ilulunsad na reality competition shows ang Center Stage at The Clash na parehong singing contest. Mga bagong singing contest ito na may mga bigating hurado at hosts. Hindi pa in-announce ang magiging hosts at judges at kung kailan magsisimula ang airing.

Ibabalik din ng GMA Network ang original artista search na Starstruck. Hintayin ang announcement kung saan at kailan ang nationwide auditions para rito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipaparating na rin namin sa network ang request ng viewers na gawing daily ang airing ng Starstruck para mas susubaybayan at hindi once a week lang ang airing.