NI: Fer Taboy

Tiniyak kahapon ng Philippine National Police (PNP) na walang tigil na tutugisin ang police scalawags.

Ito ang sinabi ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa flag raising ceremony sa Camp Crame, kasabay ng pahayag na alam niyang maraming tiwaling pulis ang naghihintay lang na magretiro na siya sa serbisyo.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Nagbabala si Dela Rosa na kahit retirado na siya ay patuloy pa rin niyang isusulong ang kampanya laban sa mga tiwaling pulis sa pamamagitan ng vigilante na handa niyang pamunuan.

Sinabi pa niya na siya ang magiging kauna-unahang 4-star general na mamumuno ng vigilante group para lang habulin ang mga tiwaling pulis.