DOBLE ang mga rebelasyon at pasabog sa nag-iisang showbiz talk show sa Philippine primetime TV dahil dalawa ang sabay na sasalang sa hot seat simula bukas (Lunes, November 27) sa weeklong special ng Tonight With Boy Abunda na “2 Be Honest: The TWBA 2nd Anniversary Special.”

Abangan ang unang pagsasama ng real life couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano at pagharap sa maiinit na tanong ng King of Talk na si Boy Abunda tungkol sa kanilang relasyon.

Boy Abund
Boy Abund
Sasabak din sa matinding tanungan ang nali-link sa isa’t isa na sina Maris Racal at Iñigo Pascual. May aaminin na kaya sila sa tunay na estado ng kanilang relasyon?

Magsasama rin sa unang pagkakataon ang real life BFFs na sina Erich Gonzales at Julia Barretto at ibabahagi kung paano sila naging malapit na magkaibigan at isisiwalat naman ng Unexpectedly Yours stars na sina Robin Padilla at Sharon Cuneta ang kanilang saloobin sa muli nilang pagtatambal sa big screen.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Bukod sa “Fast Talk” at “Golden Mirror” segments, haharapin din ng celebrity guests sa unang pagkakataon ang “2 Be Honest” questions na hindi nila maaaring tanggihang sagutin.

Ano kaya ang “2 Be Honest” questions ni Tito Boy?

Ang Tonight With Boy Abunda ang natatanging showbiz authority ngayon sa telebisyon na nagbabahagi ng pinakamaiinit na balita at eksklusibong expose tungkol sa mga pinakasikat at pinag-uusapang mga artista sa kasalukuyan. Patuloy itong tinatangkilik ng mga manonood sa telebisyon man o online kaya naman lagi itong trending sa social media.

Huwag palalampasin ang espesyal na episodes ng “2 Be Honest: The TWBA 2nd Anniversary Special,” Lunes hanggang Biyernes ngayong linggo, pagkatapos ng Hwarang sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @TWBAofficial sa Twitter at Instagram at i-like ang official Facebook page ng programa sahttps://www.facebook.com/ TonightwithBoyAbunda.