NAKAMIT ng University of the East ang karapatan na harapin ang defending champion National University sa UAAP Season 80 women’s basketball championship.

Naisalba ng Lady Warriors ang matikas na pakikihamok ng University of Santo Tomas Tigresses, 69-62, para makamit ang No.2 slots sa best-of-three finals kahapon sa MOA Arena.

Naghihintay ang NU Lady Bulldogs na umusad sa championship round na may malinis na karta sa elimination round at marka na 62 sunod na panalo.

Naghabol ang Lady Warriors mula sa 12-26 agwat sa second quarter at nalimitahan ang Tigresses sa 2-of-17 shooting sa field sa final period.

John Amores, hindi banned sa liga; hatol ng PBA, pansamantalang suspensyon

Kumana si Joyce Francisco ng 14 puntos, tampok ang buzzer-beating jumper para mailayo ang iskor may 23.9 segundo sa laro.

Magsisimula ang Game 1 ng kanilang best-of-three championship sa Miyerkules ganap na 11 ng umaga sa Smart Araneta Coliseum.

“Kailangan naming mag-double time. Handa kami palagi,” sambit ni coach Ai Libornio.

“Subukan naming mag-champion this year,” aniya.

Nanguna si Love Sto. Domingo sa UE na may 18 puntos at 12 rebounds, habang tumipa si Eunique Chan ng 16 puntos at 11 rebounds sa Lady Warriors.

Nanguna si Anjel Anies sa UST na may 16 puntos.

Iskor:

UE (69) - Sto. Domingo 18, Chan 16, Francisco 14, Tacula 8, Cortizano 7, Ramos 4, Requiron 2, Gayacao 0, Antonio 0, Nama 0.

UST (62) - Anies 16, Larosa 16, Gandalla 9, Angeles 7, Rivera 4, Peñaflor 3, Jerez 3, Sanggalang 2, Isanan 2, Aujero 0, Portillo 0, Magat 0, Manuel 0, Valera 0.

Quarterscores: 10-16, 27-35, 47-56, 69-62