GINAPI nina top seed John Bryan Otico at third seed Arthur Craig Pantino ang mga karibal para makausad sa semifinal round ng boys’ singles category sa Phinma-PSC International Juniors 2 nitong Biyernes sa Manila Polo Club indoor clay courts sa Makati City.

Tinalo ni Otico si fifth seed Indonesian Odeda Muhammad Arazza, 6-4, 6-1, pata makasagupa si fourth seed Japanese Taiyo Yamanaka, nagwagi kay Kei Manaka, 6-2, 6-2.

Naisalba naman ni Pantino ang pahirapang duwelo kontra Japanese Ryota Ishii, 6-2, 6-7 (6), 6-3, para maisaayos ang Final Four duel kay second seed Japanese Shunsuke Mitsui, nagwagi kay sixth seed Filipino Michael Francis Eala, 6-0, 6-3.

Umusad din sina Otico at Pantino sa doubles final round nang gapiin ang tambalan nina fourth seeds Ryota Ishii at Shunsuke Mitsui ng Japan, 7-6 (3), 6-2.

John Amores, hindi banned sa liga; hatol ng PBA, pansamantalang suspensyon