Sumulat ng bukas na liham si Vice President Sara Duterte para kay Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga matapos sipain sa Mababang Kapulungan ng Kamara.
Sa latest Facebook post ni VP Sara nitong Miyerkules, Hunyo 3, dinamayan niya si Kiko sa pagiging kakaiba nito sa karaniwan.
“Ako man ay itinuturing na kakaiba. Ilang beses na akong tinawag na baliw, bobo, at kung anu-ano pa dahil lamang sa pagtangging sumunod sa nakasanayan,” saad ng Bise Presidente.
Dagdag pa niya, “You are different because you have never been convicted of child abuse, never brought home ‘maletas’ of public funds, never allowed cocaine and alcohol to flow from your office, and never said yes to corruption and oppression.”
Sa huli, tiniyak ni VP Sara na may nagmamahal sa napatalsik na kongresista sa kabila ng nangyari.
Aniya, “Mahal ka ng Diyos, mga Caviteño, mga Dabawenyo, mga agila at ng mga pusa.”
Matatandaang sa botong 265 pabor, 14 tutol, at 8 abstention, inaprubahan ng Kamara ang rekomendasyon ng Committee on Ethics and Privileges na tanggalin si Barzaga sa kaniyang puwesto dahil sa umano’y paulit-ulit na paglabag sa mga pamantayan ng asal ng isang miyembro ng House of Representatives (HOR).
Maki-Balita: Sa botong 265-14-8: Kiko Barzaga, tuluyan nang sinipa sa Kamara!