Ni NORA CALDERON

NANGAMBA noon si Aicelle Santos na baka hindi pumayag si Gary Valenciano na mag-guest sa kanyang solo concert na Awit Na Aicelle sa Music Museum, pero nagkamali siya. 

“Natuwa pa ako nang malaman ko na maggi-guest ako dito sa concert mo ngayon,” sabi ni Gary pagkatapos ng duet nila ng Soul Songtress. “Marami na akong naririnig noon pa kung gaano ka kahusay mag-perform at napatunayan ko ‘yon nang mag-guest ka sa concert ni Regine (Velasquez-Alcasid) sa MOA Arena.

GARY AT AICELLE
GARY AT AICELLE
“After Regine’s concert we met at their house at napag-usapan namin ang number n’yo. Of course, mahuhusay kayong lahat na nag-perform with her at ang nag-confirm, yung sinabi ni Regine na ‘pero si Aicelle...’ alam na namin ang ibig niyang sabihin.”

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Panay ang pasasalamat ni Aicelle kay Gary at pagkatapos ay ipinakilala niya ang daddy niya rito na siya pala kasi ang paborito. Kitang-kita ang tuwa ng daddy ni Aicelle nang makamayan si Mr. Pure Energy.  After that, may solo number si Gary with The Maneuvres. Tiyak daw na hindi alam ng millennial audience ngayon ang dance steps nila.

Ang iba pang guests ni Aicelle ay sina Quest, Bullet Dumas,  Myke Salomon at The Company.

Big success ang concert ni Aicelle na binigyan ng standing ovation ng audience na hindi rin pumayag na wala siyang encore. 

Pero siyempre, malaking inspirasyon kay Aicelle ang presence ng kanyang boyfriend, ang broadcaster na si Mark Zambrano na binati siya with a kiss and bouquet of flowers nang umakyat ito sa stage. Congratulations Aicelle!