Ni: Fer Taboy

Patay ang isang lalaki habang naospital ang lima niyang kaanak makaraang kumain ng tahong sa Tarangnan, Western Samar, nitong Miyerkules.

Kinilala ang namatay na si Rommel Balsote, 39, ng Barangay Tigdarano.

Isinugod naman sa ospital ng Tarangnan sina Elizabeth, 39, kinakasama ni Balsote; ang mga anak nilang sina Laysa, 20; John Michael, 11; Justin, 6; at Princess, 3.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Base sa report, sumakit ang tiyan ng mag-anak matapos nilang kumain ng tahong.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nasa 39 na katao na ang naospital ngayong buwan dahil sa pagkain ng tahong.