NI: Rommel P. Tabbad

Binalaan ng Commission on Human Rights (CHR) si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat bigyan ng “special treatment” ang dalawang Russian na naaresto dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Paliwanag ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, normal lamang na bigyan ng due process at patas na paglilitis ang dalawang banyaga. Gayunman, dapat na tratuhin nang patas ang lahat ng suspek sa anumang kaso.

Ito ang reaksiyon ni De Guia matapos tiyakin ng Pangulo kay Russian Prime Minister Dmitri Medvedev sa kanilang bilateral meeting, na mabibigyan ng patas na imbestigasyon at “komportableng” kulungan ang dalawang Russian habang nililitis ang kanilang kaso.

Pelikula

'Beauty Contis' magkasama na sa Hanoi