ITINANGGI ng ex ni Marc Anthony na si Shannon de Lima ang usap-usapan tungkol sa onstage kiss ng singer sa pangalawa nitong asawang si Jennifer Lopez sa 2016 Latin Grammy Awards ang dahilan ng pakikipagdiborsyo niya.

Matatandaan na ipinahayag ng salsa star noong Nobyembre 2016 na tapos na ang relasyon niya sa Venezuelan model na si Shannon, isang araw matapos makipaghalikan kay Lopez sa Las Vegas ceremony.

Marc at Shannon
Marc at Shannon
Isinapinal nina Marc at Shannon, ang kanilang divorce ngayong taon, at nanatiling tahimik hinggil sa dahilan ng kanilang hiwalayan, ngunit ngayon ay nagsalita na si Shannon sa Univision’s morning show na Despierta America tungkol dito.

Sa panayam, tinawanan ng 29 na taong gulang ang isyu na ang dahilan ng kanilang hiwalayan ay ang halikan ng kanyang ex at ni J.Lo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“It was not the kiss,” aniya. “We had been separated already for about a month.”

Itinanggi rin ni Shannon ang mga usap-usapan hinggil sa alitan nila ni Jennifer: “There is nothing,” aniya. “People make up this movie in their minds and create a rivalry where there is none.”

Sa halip, sinabi ng modelo na siya at si Jennifer ay on good terms, lalo na dahil ang superstar ang ina ng kambal na anak ni Marc, na sina Max at Emme.

Ipinaliwanag din ni Shannon na nanatili silang close ni Marc, at inamin na ang kanyang anak na si Daniel, sa dating kasintahang si Manuel Sosa, na ikinokonsidera pa rin nito ang I Need to Know hitmaker na kanyang pangalawang tatay.

“We are really great friends,” ngingiti-ngiti niyang sabi. “I care for him a lot. Things don’t work out sometimes, but it’s not as dramatic as people see it.”

Ibinunyag din niya na tumulong si Marc na ipagdiwang ni Daniel ang ika-sampu nitong kaarawan nitong nakaraang buwan. “It was a surprise. When he saw Marc again it was so nice. Marc was his dad. Dani still calls him ‘Daddy.’ Dani has his dad, but Marc will be ‘Daddy Marc’ forever,” aniya.

Nakapag-move on na si Anthony sa hiwalayan at ngayon ay may relasyon sa Italian model na si Raffaella Modugno.