NAG-CELEBRATE si Jolina Magdangal ng kanyang 30th anniversary sa showbiz sa Magandang Buhay na isa siya sa hosts kasama sina Karla Estrada at Melai Cantiveros. 

Nag-research siyempre ang mga staff ng morning show para isopresa sa isa sa singer/actres/TV host. Kinuhang suprise guest ang mga kamiyembro sa grupong 14K na pinamahalaan ni Ryan Cayabyab at pinagsimulan ni Jolens. 

Jolina Magdangal
Jolina Magdangal
“Nagulat ako at nagkita-kita tayo ngayon,” sey ni Jolina. “In fairness, meron akong ‘tinatagong mga pictures sa lahat ng mga naging performances natin pero hanggang pictures na lang ako parati.”

Kagrupo ni Jolina sa 14k sina Arnee Hidalgo, Ryan Joseph Realeza, Coralyn Oguias, Mary Ann Corsama, Johann dela Fuente, Donna Mae Jordan, Jericho Linao and Trinna Alcantara na nagkanya-kanyang kuwento sa mga naging karanasan nila noon sa grupo.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Ipinagmamalaki ni Jolina na sa 14K niya natutunan kung paano disiplinahin ang sarili at siyempre ang pagiging professsional sa trabaho nila. 

“Grabe ang training namin noon. ‘Pag mali ka, eh, asahan mong papagalitan ka. Ituturo sa ‘yo kung paano maging professional. At sa totoo lang naman, eh, sa grupong ‘yun, eh, doon ko natutunan ang pagiging professional sa trabaho,” sabi ng aktres. 

Inawit ni Jolina kasama ang mga dating kamiyembro ng 14K ang Love Is for Singing.

Bukod pa rin naman sa 14K, sinorpresa rin si Jolina ng mga nakasama niya sa Ang TV na sina Lindsay Custodio, Nikka Valencia, Farrah Florer at Antoinette Taus.

Sobra-sobra ang pasasalamat niya na naging bahagi siya ng Ang TV na sikat na sikat noon.

“Ito ang nagbukas sa akin ng opportunity bilang artista. Itinuro rin sa amin ni Mr. M ang disiplina. Tinuruan din niya kaming maging writer at comedian. Basta ang importante kay Mr. M noon na hindi ko din tinanggal sa sarili ko, eh, maging ikaw. Huwag kang mag-pretend. Ikaw ‘yan at ibongga mo ang sarili mo,” lahad ni Ms. Jolina Magdangal. --Jimi Escala