NAKOPO ni Carlo Peñalosa ang WBC Asia silver flyweight title kontra sa kababayang Cebuano na si Salatiel Amit sa Battle of Palawan: Night of Champions nitong Biyernes sa Puerto Princesa City Coliseum.

Nakuha ng pamangkin ni boxing legend at boxing promoter Gerry ang momentum sa huling round ng kanilang 10-round main event bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-55 anibersaryo ng OPBF Convention.

Nanalo siya via split decision.

Ibinigay ni judge Noel Flores ang 96-94 para kay Amit, ngunit pumabor sina Ferdinand Estrada at Alberto Dulalas sa iskor na 96-94 para kay Peñalosa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagtamo naman ng malaking kabiguan si dating IBF youth flyweight champion Robert Onggocan kontra sa bagitong si Jeronil Borres sa co-main event. - PNA