PM Hun Sen, Marian, Dingdong at Rep. Gloria Arroyo
PM Hun Sen, Marian, Dingdong at Rep. Gloria Arroyo

Ni NORA CALDERON

NAGKATAGPO na finally si Cambodian Prime Minister Hun Sen at ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, nitong Saturday afternoon, November 11, sa Clark Air Base.

Bago ito, noong November 9, sa launch ni Marian as the celebrity ambassador ng Kultura Pilipino, sinabi niyang nakatanggap sila ni Dingdong ng invitation mula sa Cambodian Prime Minister at gusto nitong makita at makilala nang personal ang Kapuso Primetime Queen. Sinabi ni Marian na sa Clark nila imi-meet ang Cambodian Prime Minister. Inimbita raw siya dahil may malaki siyang fan base sa Cambodia. Ayon kay Marian, naipalabas na roon ang mga teleserye niyang Marimar at Dyesebel at ngayon ay ipalalabas naman doon ang Carmela, huli niyang teleserye bago siya nag-asawa, na pinagtambalan nila ni Alden Richards.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Inimbitahan ni Prime Minister Hun Sen si Marian at si Dingdong para mag-attend ng welcome dinner na naganap noong Saturday, hosted by former president and Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Dumating sa bansa si Prime Minister Hun Sen noong Saturday, November 11 para dumalo sa 31st Associaction of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Meetings in Manila, mula sa Lunes, November 13 hanggang sa Wednesday, November 15.