Ni NORA CALDERON

IKINATUTUWA ng fans ni Aicelle Santos ang solo concert ng kanilang idolo.

Umani ng mga papuri si Aicelle nang mag-guest sa katatapos na R3.0 concert ni Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena, kasama ang iba pang singers. Ano ang naramdaman niya nang makipagsabayan siya kay Regine sa pagkanta ng Say That You Love?

Aicelle Santos
Aicelle Santos
“Ang feeling ko po noon, parang nag-join ako ng isang singing contest sa napakalaking MOA, at puro mga biritera ang mga kasama ko,” napangiting sagot ni Aicelle nang tanungin namin sa presscon para sa kanyang concert. “Flattering po ang diva production number namin at really amazing and flattering na napansin pa rin nila ako.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang dalawa sa maraming natuwa nang i-post namin sa Instagram ang concert ni Aicelle ay si merz_68, na nagkomentong, “Compare to another singer... mas prefer ko Aicelle’s voice, buung-buo at naiintindihan mo talaga ang lyrics & with emotions while singing... congrats and good luck” at si Elviesmithpadua, na nagsabing, “Oo naman, Aicelle has wide range, ang masarap sa tainga kasi deep voice and mellow, may Aicelle identity, alam mo agad na boses niya iyon.”

Marami siyempre ang nabitin sa madaliang exposure ni Aicelle sa MOA, kaya pinahahandaan na ng Stages Sessions at GMA Artist Center ang kanyang solo concert titled Awit na Aicelle: Aicelle Santos in Concert na gaganapin sa sa Museum Music sa November 24, 8:00 PM.

“I’m so excited because this is going to be a very special concert. Labis po ang pasasalamat ko kay Sir Gary (Valenciano) nang pumayag siyang maging special guest ko. Hindi ako makapaniwala kasi nga tagakabila siya and yet makakasama ko siya ngayon on the same stage.”

Ang iba pang guests ni Aicelle ay ang The Company, si Bullet Dumas, Quest at Myke Salomon na napapanood sa My Korean Jagiya.

Hindi ba niya igi-guest ang boyfriend niyang GMA broadcaster na si Mark Zambrano na balitang maganda rin ang singing voice?

“Kinakantahan po niya ako kung kaming dalawa lang ang magkasama. Manonood po siya pero hindi ko alam kung papayag siya to go up onstage para kumanta with me.”

Kailan sila magpapakasal?

“Napag-uusapan na po namin ang kasal, but nothing definite yet. Wala pa po akong engagement ring, o! But I’m hoping he’s really the one. If ever, I’d prefer a beach wedding since pareho kaming mahilig sa dagat. Pero this year po ay kakasalin ang younger sister ko.”

Tuluy-tuloy ang pagganda ng showbiz career ni Aicelle. Nominated siya as best supporting actress for her performance in the musical na Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag. Araw-araw siyang napapanood sa Impostora bilang best friend ni Kris Bernal as Nimfa.

Available ang tickets ng Awit na Aicelle sa Music Museum o maaaring bisitahin ang www.ticketworld.com.ph.