BOSTON (AP) — Totoo ito kuya! nahila ng Boston Celtics ang winning streak sa 11 ngayong season – at nagawa nila ang tagumpay na wala si All-Star guard Kyrie Irving.
Na-sideline ang pamosong point guard nang aksidenteng mabagsakan ang mukha ng siko ng kasanggang si center Aron Bayne. Sasailalim si Irving Irving sa ilang pagsususri upang madetermina kung hindi ito nakaroon ng ‘concussion’.
Sa pagkawala ni Irving, pumapel si Jayson Tatum sa natipang 16 puntos, habang kumana si Shane Larkin ng 16 puntos mula sa bench para sandigan ang Celtics sa matikas na 11-0 karta mula nang matalo sa unang dalawang laro.
“We just got a lot of fighters, a lot of resilient guys,” pahayag ni Larkin, patungkol sa pagsirit ng Celtics sa team pedestal kahit wala ang mga injured stars na sina Gordon Hayward at Al Horford.
Nanguna sa Hornets si Kemba Walker sa natipang 20 puntos at 11 assists.
CLIPPERS 120, THUNDER 111
Sa Oklahoma City, naitala ni Paul George ang pinakamatikas na opensa biulang Thunder sa natipang 42 puntos sa panalo kontra Los Angeles Clipper para putulin ang four-game losing streak.
Nag-ambag si Russell Westbrook ng 22 puntos, walong assists, habang kumana sina Carmelo Anthony at Alex Abrines ng tig-14 puntos.
Kumubra si Lou Williams ng 35 puntos, habang kumasa si Blake Griffin ng 17 puntos para sa Los Angeles, nagtamo ng ikaapat na kabiguan.
Sa Phoenix, hindi sinikatan ng Phoenix Suns, sa pangunguna nina Aaron Gordon at Nikola Vucevic sa naiskor na 22 at 19 puntos, ayon sa pagkakasunod, ang Orlando Magic.
Hataw sina Terrence Ross at reserve Jonathon Simmons sa naiskor na 17 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Suns.
Sa iba pang laro, ginapi ng Miami Heat, sa pangunguna ni Dion Waiters na umiskor ng 21 puntos, ang Utah Jazz, 84-74; hiniritan ng Milwaukee Bucks ang San Antonio Spurs, 94-87; pinutol ng Indiana Pacers ang four-game losing skid sa 105-87 panalo kontra Chicago Bulls, 105-87.