Nabulabog ang mga natutulog na residente ng Malabon City, matapos sumiklab ang apoy sa bodega ng plastik kamakalawa.

Sa inisyal na ulat ng Malabon Fire Station, nagliyab ang isang plastic warehouse sa Gabriel Subdivision, Barangay Dulong Duhat ng nasabing lungsod, dakong 11:30 ng gabi.

Agad rumesponde ang mga bumbero at naapula ang apoy makalipas ang 30 minuto.

Ayon kay Barangay Chairman Anthony Velasquez, nakarinig sila ng pagsabog sa loob ng bodega hanggang sa nagliyab ito.

National

15 katao nasawi sa pagkalunod sa kasagsagan ng Holy Week—PNP

Habang isinusulat ang balitang ito, inaalam pa ang sanhi ng sunog at halaga ng natupok na ari-arian gayundin din ang may-ari nito.

Walang iniulat na nasaktan sa insidente. - Orly L. Barcala