Ni Annie Abad

IMPORTANTE na may maayos na performance ang mga atleta upang makakuha ng mas malaking budget para sa training.

Ito ang ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez sa isinagawang media conference nitong Biyernes sa PSC athletes dining area.

Ayon kay Ramirez, ito ang dahilan kung bakit may malaking budget ang naibibigay sa national sports association tulad ng Patafa dahil sa magandang performance ng atleta sa international competition.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“Performance is very important. We want them to strive high para sa magandang performance,” ani Ramirez.

Ang track and field ang may pinakamalaking budget na inaprubahan ng ahensiya matapos ang isinagawang budget hearing sa mga NSAs.

“I am very thankful para sa mga nsa’s for coming sa “conversation” namin. Maganda yung naging outcome kasi we were able to reach out to our nsa’s,” ayon kay Ramirez.