SAN ANTONIO (AP) — Bumalikwas mula sa malamyang simula ang Golden State Warriors para maisalba ang matikas na ratsada ng Spurs tungo sa 112-92 panalo nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

nba copy

Nagawang burahin ng Warriors ang 19 puntos na bentahe ng Spurs sa unang period, sa pangunguna ni Klay Thompson na kumana ng 27 puntos.

Nag-ambag si Kevin Durant ng 24 puntos, habang tumipa si Stephen Curry ng 21 puntos sa unang pakikipagtuos sa Spurs mula nang walisin nila ang Conference finals. Natamo rin ng Spurs ang ikaapat na sunod na kabiguan.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

“Me and (Durant) were talking about it on the bench tonight,” pahayag ni Curry, patungkol sa kanilang maagang pinaghahandaang serye sa post-season.

“It is tough to still be Nov. 1st or 2nd and be looking forward to April, May, June. But having gone through the experience last year and three years ago and understanding what it takes to win a championship, it’s kind of cliche, but every game you can learn a little bit something about yourself and continue to build great habits to get there.”

Sumabak ang San Antonio na wala ang lider na sina Kawhi Leonard at Tony Parker. Sa kabila nito, nagawang madomina ng Spurs – kahit panandalian lamang – ang Warriors.

“We might as well start every game here down 20,” sambit ni Golden State coach Steve Kerr.

“Other than the playoffs last year, that will be four or five straight games where that happened. You have to be able to match the Spurs’ intensity, especially because they’re such a good rebounding team.”

Natikman ng Warriors ang bentahe sa unang pagkakataon sa 60-57 mula sa three-pointer ni Durant may dalawang minuto ang nakalipas sa third period.

Nanguna sa Spurs si forward LaMarcus Aldridge na may 24 puntos at 10 rebounds.

“LaMarcus was magnificent,” pahayag ni San Antonio coach Gregg Popovich, napatalsiks a laro bunsod ng dalawang technical foul sa huling apat na minuto ng laro.

Nag-ambag si Kyle Anderson ng 16 puntos.