Ni: Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Patay ang isang 30-anyos na lalaki, na sinasabing sa sobrang kalasingan ay nakatulog sa ilalim ng sasakyan, makaraan siyang magulungan ng umaatras na pampasaherong bus sa paradahan ng Central Transport Terminal sa Barangay D.S. Garcia sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City, kay Nueva Ecija Police Provincial Office OIC Senior Supt. Eliseo T. Tanding, nakilala ang biktimang si John Arcie Sarmiento, ng Cecilia Village Phase III.

Naisugod pa sa MV Gallego City Hospital ang biktima, ngunit patay na nang idating doon dahil sa matinding pinsalang tinamo sa ulo.

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

Nabatid na nakatulog si Sarmiento sa ilalim ng nakagaraheng bus (UVW-825) ng Pangasinan Solid North Transit, Inc., dakong 4:00 ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, hindi napansin ng bus driver na si Michael Macam na natutulog si Sarmiento sa ilalim ng saskayan kaya nagulungan niya ito.