Ni MERCY LEJARDE

HINDI lang si Baby Zia ang may paborito sa Super Ma’am na primetime series ng GMA dahil nang makakuwentuhan namin si Ms. Helen Gamboa ay sinabi ng mahusay na aktres na pati ang apo niya kay Ciara Sotto, gustung-gustong pinapanood ang serye bago matulog sa gabi.

Ayon pa sa kanya, kapag nagkikita sila nito sa bahay, madalas na nagtatanong kung ano ang susunod na mangyayari sa serye.

Nang malaman daw ito ng buong cast, mas lalo pa silang naengganyong magtrabaho.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Nakikita at ramdam nila ang warm reception na ito mula sa audience nila.

Napakaganda ng team work ng grupo nila kaya naman maaliwalas din ang aura nila sa telebisyon. Patuloy na tinututukan ang mga susunod na ganap sa Super Ma’am gabi-gabi sa GMA Telebabad.