GUSTO naming bigyan ng espasyo ang isa sa staff writers ng ABS-CBN Corporate Communication na si Gel Ybardolaza na nagtapos ng Communication Arts sa UP Diliman.

Nasanay na kami na papalit-palit ang mga staffwriter ng nasabing departamento na pinamumunuan ng Vice President for Corpcomm na si Kane Errol Choa.

Gel Ybardolaza
Gel Ybardolaza
Dati palang miyembro ng banda si Gel at kumakanta bukod sa electric guitar na tinutugtog niya kaya certified rocker siya, Bossing DMB.

Hanggang doon lang ang pagkakakilala namin sa mabait at magandang staff ni Aaron Domingo kaya nagulat kami nu’ng mapanood namin siyang umaarte na naka-post sa ABS-CBN Internal Frequency habang nagdi-deadline kami sa press office ng kanilang network.

'Dao Ming Si' ng Las Piñas City, may mensahe sa mga nalito

Tawa nang tawa kami ni Katotong Maricris Nicasio, Bossing DMB dahil ang theme song ng six-part act ni Gel ay ang awiting Huwag Ka Nang Umiyak na version ni KZ Tandingan pero ang paulit-ulit na tugtog ay ang chorus nitong ‘Kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka nang makapitan, kapit ka sa akin, kapit ka sa akin, hindi kita bibitawan’ habang umaarteng kunwari’y na-late sa pagpasok sa opisina, nasaraduhan ng elevator kaya na-late, may tinitipang report pero biglang nag-brown out at hindi na-save at na-print at may eksenang nangunyapit pa sa hagdanan.

Ang tanong namin, para saan ba ang six-part act na ito ni Gel, isinabay ba ito sa second anniversary ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil theme song ng programa ang background music?

At paano siya napapayag na umarte na parang eng-eng sa maraming tao na talagang pinagtitinginan siya at nagtatanungan, “Ano ‘yun? Bakit umaarte?”

Aliw ang eksenang hinahabol ni Gel ang elevator na biglang sumara at ang nakasakay pala ay ang isa sa big boss ng ABS-CBN na hindi niya alam.

May plano bang mag-artista ang staffwriter ninyo, Kane at Aaron? Baka naman type niya nahihiya lang magsabi sa inyo, he-he-he. --Reggee Bonoan