NI: Reggee Bonoan

IPINANGALAN ang bagong conference room ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa yumaong veteran actress na si Nida Blanca.

Bilang bahagi ng ika-32 anibersaryo ng pagseserbisyo-publiko ng MTRCB sa mga Pilipino ay pormal nang binuksan ang kanilang Nida Blanca Conference Room last week sa pangunguna ni MTRCB Chairperson Rachel Arenas.

Nakasama pa sa nasabing okasyon ang yumaong vice-chairperson ng MTRCB na si Emmanuel Borlaza at iba pang board members.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Si Nida Blanca ay dati ring member ng MTRCB.

Nagsimula ang selebrasyon ng kanilang anibersaryo sa isang thanksgiving mass led by Fr. Denmark Malabuyoc ng Order of St. Joseph.

Present din sa event ang anak ni Nida Blanca na si Kaye Torres kasama ang kanyang pamilya. Nandoon din sina Chari Villa at Luz Valdez.

“The conference room was renamed to keep alive the memory of Ms. Nida Blanca not only as a board member but also as a friend, a family member and a public servant,” pahayag ni Chairperson Arenas.