Ni: Orly L. Barcala

Hindi sakop ng bagong ordinansa ng curfew sa Navotas City ang mga menor de edad na dadalo sa mga Simbang Gabi sa Disyembre 16-24.

Ito ang tiniyak ni Mayor John Rey Tiangco, lalo dahil mahigit isang buwan na lang ay sisimulan na ang Misa De Gallo tuwing 10:00 ng gabi at 3:00 ng umaga.

Bukod sa Simbang Gabi, pinapayagan din ng alkalde ang mga may edad 17 pababa na lumabas ng bahay pero kailangang may kinalaman sa eskuwelahan ang dahilan kung bakit nasa labas ng bahay ang mga ito sa oras ng curfew.

National

Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete

Sa bagong curfew sa Navotas, huhulihin ng mga pulis o tauhan ng barangay ang mga menor de edad kapag nasa lansangan pa ang mga ito nang walang kasamang magulang o guardian simula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.